Thursday, August 12, 2010

Walang Titulo, Ika-3 Kabanata

dalawang taon na kaming magkatipan ni mark. marami ang di makapaniwalang tatagal kami. magkaiba kasi ang aming mga hilig. kung madalas akong makita sa library, mas madalas namang sa gym mahagilap si mark – naghahabol ng bola o di kaya’y nagbubuhat ng weights. gimikero ito. mahilig sa nightlife. barhopping. disco dancing. ang hilig ko ay manood ng mga dula at konsiyerto. pero tanggap naman ng aming mga pamilya’t kaibigan ang aming relasyon. sabi pa nga ng tita, “kesa naman tumandang nag-iisa ang aking pamangkin.” inaya na niyang magsama kami pero tumanggi ako. sbi ko, “saka na pag may trabaho na ako.”
malambing si mark pero may pagkamatampuhin at pagkasumpungin. nasasakyan ko naman ang timpla niya. kung mag-away man kami ay siya ang unang nanunuyo. hanggang sa makilala naming si tod sa birthday party ni amy.
“mark, buti’t nahila mo itong sumama,” salubong sa amin ni amy.
“himala nga eh,” biro ni mark sabay halik sa pisngi ni amy.
“happy birthday, mi.” humalik din ako.
“thanks. akala ko di ka na talaga pupunta.”
“tinapos ko na ang research ko at baka awayin mo pa ako.”
“buti’t alam mo. may ipakikilala pa naman ako.”
“don’t tell me a new boyfriend?”
“how about miguel?”
“hindi noh! For keeps na ‘yon. inaya na nga akong pakasal.”
“talaga?”
“buti’t napaamo ka,” singit naman ni mark. papalit-palit kasi ito ng boyfriend. ang daling magsawa. si miguel lang ang tumagal. pasensiyoso kasi ito. halatang praktisado kay mark. mag- bestfriend kasi ang dalawa.
“san na nga pala si miguel?”
“kausap si tod. o, heto na pala sila.”
“’tol!”
“congrats, ‘tol!”
“balita ko, pasasakal ka na?”
“ulol! inggit ka lang!”
“inggit nga.” inakbayan ako ni mark sabay sabing, “ito kasing love ko, ayaw pang pumayag.” humalik siya sa akin. “payag ka na kasi love.” pinaamo pa ang mukha na parang aso.
“hahaha!”
siniko ko si mark at tumingin sa kasama ni miguel. qwapo ang lalaki. matangkad. alaga sa workout ang katawan. alun-alon ang buhok. malalantik ang mga pilikmata. kung moreno si mark, mestizo naman ito.
“no, it’s okay,” turan nitong nangiti nang mapansin ang aking tingin. lumabas ang biloy nito sa kaliwang pisngi. “inggit nga ako.” tumitig siya kay mark.
“oo nga pala,” singit ni amy. “this is my cousin tod. tod, sina anton at mark.“
“nice meeting you, tod.”
“likewise.”
“pare.” inalis ni mark ang pagka-akbay sa akin. iniabot kay tod. nagkadaupang-palad. nagkatitigan. nagkangitian.
“pare.”
sila na halos ang nag-usap buong gabi. palibhasa pareho sila ng mga hilig. basketball. gym. fitness. gmik. sino ba ang mas magaling, lakers o spurs? mas mainam ba ang home gym keysa sa membership? fitness o gold’s gym? the fort o libis? wala akong masyadong maiambag. swimming ang hilig ko. aklat ang binubuha; kung di national bookstore, powerbooks ang tambayan. kumukuha rin ng abogasya si tod kaya nagkakaintindihan sila ni mark. anong alam ko sa legalese? creative writing ang kurso ko; si mark, third year na sa law.
naging mas malapit pa sila ng umuwi akong probinsiya. nagkasakit ang nanay noon at di ako nag-aral para maalagaan siya. ang tita ko ay nakapag-asawa ng kano at sumamang amerika. ngunit pinabalik na ako ng inay ng sumunod na semester. wika niya, sayang ang panahon. naging busy ako dahil naghahabol makapagtapos sa marso. naging madalang ang pagsama-sama namin ni mark. habang padalang ng padalang ang aming pagkikita, padalas naman ng padalas ang aming pag-aaway. tulad na lang ng inaya niya akong manood ng laro niya.
“busy?! you’re always busy!”
“mark, please understand.”
“but can’t you find time? it’s our championship game.”
“i have an exam!”
“dati naman, ah.”
“di pa nga ako nakakapag-aral. andiyan naman si tod.” si tod nga ang isinama. pati sa victory party nila. kung di ko pa kinausap di ako kikibuin.
malimit sila na ni tod ang palaging lumalabas. minsan naitanong ko sa kanya kung bakit ang dalang na naming magsama, tinanong niya ako kung nagseselos ba ako. hindi, sagot ko. pero muntik na kaming mag-away noon. kasalanan ko rin daw kung bakit. wala na raw akong panahon sa kanya. di na ako nagsalita. di naman sa nagseselos ako sa pagkakalapit nila ngunit nakakarinig na rin ako ng mga salita mula sa mga kaibigan namin.
“anton, nakita namin sina mark at tod.”
 “gumimik na naman ‘yong jowa mo.”
“ba’t iba ang kasama?”
“di ka inaya?”
“birthday...? dalawa lang sila.”
 “parang ang sweet nila. Nagbubulungan ha!”
“magka-akbay pa.”
 “nagulat nga ng lapitan namin. parang nag-alumpihit.”
“dali-dali ngang umalis eh.”
“didn’t you noticed, they were holding hands.”
“what?! di ko napansin. medyo madilim, eh.”
“sobrang lambing na ‘yan, gagah! maghawakan ba raw ng kamay!”
“baka may relasyon na sila....”
“guys, i trust them, okay?”

*     *     *

    “Oo, dito na kami tumira ni Monty. Ipinamahala kasi sa amin itong resort.”
    “Kayo pala talaga ni Monty ang nagkatuluyan.”
    “Yes. Kung di ka nag-disappearing act, nakadalo ka sana sa kasal namin.”
    Namamasyal sa dalampasigan sina Pol at Tonette. May suot na buri hat ang babae. Naka-bulaklaking maternity dress. SI Pol naman ay nakasuot ng puting polong hindi ibinutones, nakatupi ang pantalong manipis. Nilaru-laro ng mabining hangin ang kanilang mga buhok at damit. Bagong sikat palang ang araw at mapusyaw pa ang langit.
    “Bat di ka dumalo sa kasal naming?”
    Tumingin si Pol kay Tonette at tahimik na nagtanong, “And see them together?”
    “I feel guilty, you know?”
    “Guilty? Why?”
    “Tumigil sa paglakad si Tonette. Yumuko. Tinanggal ang suot na buri. Inayos ang buhok. Huminga ng malalim.
    “Sa nangyari sa inyo ni Red. If I only knew....”
    “But you did not.”
    “But –“
    “Alam mo bang may relasyon sila?”
    Marahang umiling ang babae. Inakbayan ito ni Pol.
    “Ton, wala kang kasalanan, okay?” Hinawakan ni Pol ang kamay ni Tonette at pinanghimas sa maumbok na tiyan nito.
    “Sige ka, magiging pangit ‘yang baby mo. At ayoko ng pangit na inaanak. Dapat mana sa akin. Gwapo na....” Nag-pose si Pol na parang kalahok sa paligsahan ng Mr. Iron Man. Pinapintog ang masel sa baysep. Pinalapad at pinaumbok ang dibdib. “Macho pa.” Pinakulot ang boses.
    “Heh,” natatawang saway ni Tonette, “di bagay sa ‘yo.” Pero totoo ang sinabi ng kaibigan. Gwapo nga ‘to. Mula sa mapupungay na mga mata, matangos na ilong na parang nililok, sa mapula at manipis na labi.  At gumanda ang katawan. Di tulad dati na may pagkapatpatin. May six-pack na ang loko. Dagdag pa ang tila lamlam na bumabalot dito.
    “Anong di bagay?”” panghihilakbot ni Pol. “Ikaw lang, eh. Sa Amerika pinaghahabol ito, ‘kala mo.” Kinurap-kurap ang pinapupungay na mata. Ang matang tila laging nangungusap, matang nalalambungan pa rin ng lungkot.
    “Oo na! Macho ka na!” Tinitigan ni Tonette ang kaibigan, tila inaarok  ang tunay na loob. “But am I forgiven?”
    “What’s to forgive?” Niyakap ni Pol ang babae.
    Nagpatuloy sila sa paglalakad at hinayaang halik-halikan ng mga bula ang kanilang mga paa.
    “Buti’t naisipan mong umuwi  dito?”
    Humarap si Pol sa silangan, dumipa, at humugot ng malalim na hininga sabay buga ng dahan-dahan.
    “I missed this.” Hinayaan niyang dampian ng masuyong simoy ng hangin ang kanyang katawan. “Sa Amerika, masyadong naghahabol ng oras ang mga tao.” Hinarap ni Pol si Tonette. “Besides, may kailangan pa akong ayusin dito.”
    May napansin si Pol na kumislap sa dakong unahan. Nilapitan niya ito, lumuhod at pinulot. Isang kabibe.
    “Hanggang ngayon ay hilig mo pa rin ‘yan?”
    “Oo.” Pinag-aralan ni Pol ang kabibe. Hugis-saging ito at may limang silik. Mapusyaw na dilaw ang kulay ng mga silik ngunit ang dulo ay kulay-lila. Ang guhitang katawan ay kulay-ginto. Kulay-kahel naman ang pahalang na nga guhit. Bata pa ay hilig na niyang mangolekta – laki kasi sa tabing-dagat – hilig na nakuha niya sa kanyang ina.
    “Umupo nga tayo,” sabi ni Pol, inilagay ang kabibe sa buhanginan at hinubad ang polong suot upang maging sapin ni Tonette. Umupo silang nakaharap sa dagat. Inunat ni Tonette ang dalawang paa at itinukod sa likuran ang mga kamay. Pinagsiklop naman ni Pol ang mga tuhod at ipinatong ang mga bisig.
    Nagtatampisaw sa dagat sina Monty at Red, kasama ang kambal na mga anak nina Monty at Tonette na sina Miko at Trey. Parang mga isdang nakikipagharutan sa mga alon ang apat. Minsan ay mapapatingin ang mga ito sa kanila. Magsisikuhan. Kakaway. Magtatawanan. Kakaway na naman. Magpapalipad-halik si Monty. Babatukan ni Red. Maya-maya ay tila nagpupustahan na ang dalawa. Pinasan ni Red si Miko. Pasan-pasan naman ni Monty si Trey. At naghabulan na ang dalawang pares. Naghilahan. Nagtulakan. Nagpatiran. At nagtatawanan na naman.
    “Look at them,” nangingiting sabi ni Tonette.
    “They look so happy,” sabi naman niya.
    “Lalo na si Red,” sambit naman ni Tonette. Napatingin si Pol sa kanya. Nagtatanong ang mga mata.
    “Hindi mo ba napapansing nagniningning ang kanyang mga mata sa tuwing tinititigan ka niya?”
    “Di ko alam, may pagkamakata ka pala.”
    “But it’s true. He seems more carefree. More alive. Not even with Jeff was he like this. Oh –“ Namula si Tonette. Biglang ibinaling ang tingin sa apat.
    “He just like kids,” patay-malisyang sagot ni Pol.
    “He likes you more.”
    “Don’t start, Tonette.”
    “Call it a woman’s intuition.”
    “Babae ka ba?”
    “Lokah! Heto nga’t lumubo na naman.”
    “Malay ko ba kung anong laman niyan.”
    “Hoy! Buskahin ba raw ako.” Tinampal ni Tonette si Pol sa braso. “Ganyan ka naman, eh. Either you joke about things you feel uncomfortable with. O manahimik ka na lang.” Tumahimik si Pol. Di alam kung sasabihin kay Tonette na natatakot siya. “Basta,” pagpapatuloy nito, “nararamdaman kong mahal ka pa rin ni Red.”
    Tumingin si Pol sa asul na dagat. Kumikislap ito. Tila mumunting brilyanteng nasisinagan ng araw. Tumayo siya at naglakad.
    “Imposible! Di sila tatagal ng dalawang taon kung di niya mahal si Jeff.” Tumingin si Pol sa dako nina Red.  “Kilala ko si Red, Ton. Di siya nakikipagrelasyon sa taong di niya gusto.”
    “Maybe.” Tumayo na rin si Tonette at lumapit kay Pol. “But what if he’d court you again?”
Natimbuwang sina Miko at Red. Narining nila ang halakhak at sigaw nina Monty at Trey. “Hahaha! Paano ba ‘yan, ‘tol?! Talo kayo!” Ibinaba ni Monty si Trey mula sa kanyang balikat. Sisinghap-singhap na lumangoy si Miko. Binuhat ito ni Red.
    “I don’t know.”
    Napansin nilang may sinabi si Monty kay Red. Umiling si Monty. Itinuro si Miko. Umiling naman ang huli. Itinulak na ni Monty si Red. Nagkamot ito ng ulo. Naglakad. Nang makarating kena Pol ay hinila ang huli. Niyakap. Hinalikan. Tinulak ito ni Pol. Sabay patid. Bulagta si Red.


Dalawang lingo na ang nakaraan buhat ng magtungo sa Batangas sina Pol at Red. Di makatulog si Pol. Nagpabaling-baling sa kama. Bumabagyo at ang lakas ng ulan. Salit-salit ang pagkidlat at pagkulog. Bumangon si Pol at namintana. Pinanood ang pagbuhos ng ulan. Maya-maya‘y umalis siya sa bintana. Lumapit sa computer at nagsimulang tumipa.
*     *    *

Friday, August 6, 2010

Walang Titulo: Ika-2 Kabanata


FG98...100...101b...
Nasa likuran na ako ng library di ko pa rin mahanap ang aklat. Kanina pa ako hanap ng hanap, di ko makita. Sabi naman ng computer “on the shelf” ang status nito. Tiningnan kong muli ang call no. – FG101m21. Muli kong pinasadahan ng tingin ang mga aklat sa estante nang biglang mahawi ang mga aklat sa harap ko at bumungad ang isang mukha.
“mark!”
“hi!” lumibot ito. “is this what you’re looking for?” sabay abot ng isang nakabalot na pakete.
“what’s this?”
“Why don’t you open it?”
Lumantad ang aklat ni mary Renault nang tinanggal ko ang balot.
“the Persian boy?! Thanks!”
“thanks lang? Wala bang halik?” dumukwang ito. Naglapat ang aming mga labi.
“m-mark! Makita tayo!” anas ko.
“then let’s go somewhere private.” Hinila na ako ni mark palabas ng library patungo sa kotse nito.
“get in.” Sumakay ako.

*     *     *

Pagkatapos ng concert ay pumunta sina Pol at Red sa dakong likod ng Film Center. Dati nilang ginagawa ito. Ang maupo sa seawall at tanawin ang mga alon at ang tila mga alitaptap na mga ilaw sa laot. At kung walang makakita ay magyapusan. May kadiliman ang bahaging kanilang kinauupuan. Mula rito ay tanaw ang mga ilaw na kumukuti-kutitap. Malamig ang simoy ng hangin. Tahimik na ang paligid maliban sa ugong ng mga sasakyan at aliw-iw ng paghampas ng mga alon sa dalampasigan.
Nagtataka si Po kung bakit dinala siya dito ni Red. Ilang minuto na silang nakaupo ay di pa rin ito nagsasalita. Lumingon si Red at nang mapansing malayo si Pol ay umisod itong palapit. Hanggang sila’y magkatabi at magkadaiti ang mga balikat. Nang makitang walang tao ay inakbayan ni Red si Pol at hinawakan ang isang kamay nito.
“Someone might see us.”
“Walang tao.” Lalo pa nitong hinigpitan ang pag-akbay. Hinimas-himas ang palad at nilalaru-laro ang mga daliri ng kamay na hawak-hawak. Bantulot man ay hinayaan na lang ni Pol si Red.
“Don’t you think about it sometimes?”
“Think about what?”
“The past.”
“Sometimes.”
“Paano kaya kung hindi tayo nagkahiwalay?”
“But we did.” Huminga si Pol ng malalim at pilit na inaninag ang mukha ni Red sa dilim.
“Naiisip mo rin ba...pa’no kung hindi kayo nagkahiwalay?”
“Tayo ang mas madalas kong isipin.”
Nagsipagtayuan ang mga balahibo ni Pol ng pinagapang ni Red ang mga daliri pataas-pababa sa kanyang braso. Hinipo ang kanyang pisngi, hinawakan ang baba, at dahan-dahang inilapit ni Red ang mukha.
“Don’t you miss us? The way we were before?” anas nito.

Umiwas si Pol. Inalis ang kamay na naka-akbay at tumayo.
“Umuwi na tayo.”
Wala silang imikan hanggang sa makasakay sa sasakyan nito. Sa halip na paandarin ito ay humarap si Red kay Pol at nagtanong, “Galit ka ba?”
“Hindi. Let’s go.”
“Okay,” ayon nito sa malamlam na tinig at pinaandar na ang kotse. Habang tumatakbo ang sasakyan ay naisip ni Pol ang tanong nito. Paano kaya kung hindi tayo nagkahiwalay?
“We’re here.”
“W-what?”
“Nandito na tayo.” Nakahimpil na ang kotse sa harap ng puting gate nina Pol. Patay na ang lahat ng mga ilaw sa bahay maliban sa isang ilaw sa veranda.
“Thanks.” Bababa na sana si Pol ngunit pinigilan ito ni Red.
“Wait. Do you have something to do this weekend?”
“Wala naman.”
“Out of town tayo. Sa Batangas.”
“Don’t you have to work?”
“I need a break. And it’s Tonette’s birthday. She invited us.”
“Ah...okay. Balak ko talagang bisitahin siya. Sa Batangas na pala siya nakatira.”
“So...?”
“Okey. Good night, Red. And thanks.” Umibis na si Pol sa kotse.
Matagal ng nakahiga si Pol ay di pa rin siya makatulog. Ilang daang tupa na ang nabilang niya. Nakasandaang push-ups na siya. Naubos na ang isang bar ng Toblerone. Di pa rin siya makatulog. Bumangon siya, binuksan ang computer, at nagsimulang magsulat.


Monday, August 2, 2010

Walang Titulo: Ika-1 Kabanata


“tita, sa National Bookstore muna ako. Just text me when you’re done.” Nababagot na ako. Ilang oras na kami sa salon hindi pa rin ito natatapos. Dadalo kasi sa isang party kaya nagpaganda ang matandang dalaga. Escort na naman ako. Ang dati kong mahabang buhok ngayon ay crew cut na. Sabi kasi ng tita, “anton, tikbalang ka na.” Sagot ko naman, “tita, uso ito.” Pumayag na ako para wala ng gulo. Muntik na akong makalbo, di pa rin ito tapos. Sumibat na ako bago pa nakatango ang titang kinulapulan ng mudpack ang mukha. Nasa page 21 na ako ng The Persian Boy nang ako’y mabangga.
“sorry,” anang baritonong tinig. Ibinalik ko sa estante si mary Renault at yamot na tiningnan ang taong nakabangga.

Matangkad ang lalaki. Nakaputing t-shirt na nagpatingkad sa kulay-tsokolate nitong balat. Pinilas ang mga manggas kaya litaw ang mamasel na baysep. May kaluwagan man gang t-shirt aninag ko pa rin ang magandang hubog ng kanyang katawan. Nakapaloob ang t-shirt sa kupasing maong na tila inihubog sa nagsuot, hulmado pati namimintog na ugat. Nisnis ito sa may bandang hita at mamimintana ang iilang nangungulot na balahibo. Putsa! ang Pogi ng gagong ito! Nasamyo ko ang pabango ng lalaki at tila ako’y nahirapang huminga. Ang lamig ng buga ng aircon, pinagpapawisan ako. Tinanggal ng lalaki ang suot na shades at nakangiting ililahad ang isang palad.



“i’m mark.” Napatanga ako. Nangingining na iniabot ang palad na nakalahad.
“a-anton.” Buti’t di kumulot ang boses ko.
“nice name,” ang sabi at pinisil ng mahigpit ang aking palad. Tumitig siya ng malagkit at sinabi sa pinahinang tinig, “can we go somewhere private?” hello?! May pagkapresko pala ito!
“a...eh,” tumunog ang cellphone ko. Si tita! Nakalimutan ko! “m-may kasama ako....”
“oh!” naglamlam ang kanyang mga mata. “Can i have your number then?”
“sure.” At idinikta ko sa kanya ang aking numero.
“i’ll call you,” pangako niya at pinisil na muli ang palad ko.
“okay. I need to go.”
“nice meeting you, anton.” Ngumiti itong muli at bantulot na binitiwan ang kamay kong hawak-hawak niya. Kumindat pa ito bago isinuot ang tinanggal na salaming itim. Iiling-iling, tumalikod na ako.
“hey,” habol niya. “aren’t you gonna buy this?” sabay taas ng tangang aklat. Umiling ako.
“wala akong dalang pera.” Lumabas na ako at tumungo kay tita. God! Tili ng aking isip. Nahihibang ka na juan Antonio!
* * *
Hibang ka, Paul Garces. Ano ba itong pinagsusulat mo? Tumigil muna sa pagsusulat si Pol at dinampot ang The Persian Boy sa kama. Nasa parte na siyang hahalikan na ni Alexander si Bagoas ng kumiriring ang telepono. Ibinaba niya ang aklat at dinampot ito.
“Hello?”
“Pol! Tulog ka na?”
“Red? No. Nagsusulat ako.”
“Oh. Did I Disturb you?”
“No , not really. Tumigil na ako.”



Dating kasintahan ni Pol si Red. Anim na taon silang di nagkita. Nagkabanggaan sa National Bookstore noong isang araw. Isinama kasing mag-grocery ng kanyang tita si Pol. Nabagot sa haba ng pilang tila lumilikaw na bituka kaya pumuntang bookstore para magpalipas-oras. Papalabas na si Pol nang mabangga ni Red.


“I still can’t believe it. It’s been –“
“Six years.”
“Don’t you think it’s fate?” Nagkabanggaan din sila ni Red noon sa National Bookstore kaya nagkakilala.
“Maybe. Kumusta na pala kayo ni –“
“Jeff? Matagal na kaming wala.”
“Ah. Do you still communicate?”
“Rarely. We’re both busy.”
“You’re still friends.”
“Yes. How about you?”
“What about me?”
“Had you found someone else?”
“Hahaha! Are you cross-examining me, Atty. Alvar?” Nabanggit kasi ni Red na siya’y abogado na.
“Hindi nga. Meron ba?”
“What’s it to you kung...wala?”
“So...puwede pa pala.”
“Pwedeng ano?”
Tumawa si Red ng mahina. “Secret.” Natahimik sila. Kapwa may naalala. Humugot si Red ng malalim na hininga.
“P-Pol...napatawadmonabaako?” Sabi na nga ba. “Hello?! Pol! Still there?”
“Yes,” tahimik niyang sagot. ”I’m still here. So ba’t napatawag ka?” Bumuntong-hininga ito. Nainitindihan na ni Red na ayaw itong pag-usapan ni Pol.
“Are you free tomorrow night?”
“Why?”
“I have two tickets for a concert sa Folk Arts.”
“Whose concert?”
“Madrigal and Philharmonic.”
“Ah....”
“So are you free?”
“Yes, I’m free.”
Lumawig ang kanilang usapan. Umabot ng madaling araw. Nalaman ni Pol na sa Makati nag-oopisina si Red. Na nakapagtrabaho sa PAO. Na nagtagal sila ni Jeff ng dalawang taon. Naghiwalay kasi parehong di naniniwala sa long-distance relationship. Nasa Amerika na si Jeff. Nalaman naman ni Red na sa Amerika na si Pol pagkagradweyt. Na nagging manunulat ito sa isang programang nasibak na. Na nalathala na rin. Na walang naka-relasyon dahil inuna ang karera.
“So paano?”
“I’ll see you there.”
“Around five? Early dinner. Then concert.”
“No problem.”
“It’s a date then.” Date?!
“Goodnight, Red.”
“Good night, Pol. And Pol –“
“Yes?”
“Dream of – err – sweet dreams.”
“Sleep well, Red.” Ibinaba na ni Pol ang telepono. Ibinalik sa estante ang aklat na binasa. Naalalang bigay pala ito ni Red sa kanya. Tumungo ulit ito sa harap ng computer.

Disqus for Simply Me